BUHAY SA TABING-DAGAT

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay napapaligiran ng mga anyong tubig gaya ng look, ilog, dagat at marami pang iba. Dahil sa magandang tanawin at sariwang hangin sa tabi ng mga anyong tubig ay ginagawa na rin itong mga pasyalan di lang sa ating bansa ngunit gayon na rin sa ibang bansa.

Dahil sa mga naging kaugalian at kani-kanilang mga ninuno na tumira na sa mga ganitong lugar ay hindi na bago sa kanila na dito nalang maghanap-buhay. Pangingisda ang pangunahin nilang hanap-buhay.

Dalampasigan

Ang dalampasigan o dalampasig ay ang anyo ng lupang mabuhangin na katabi ng katawang tubig ng dagat.

Ano ang mga pakinabang ng mga taong naninirahan dito?

Maraming komunidad ang pinipiling manirahan sa tabing tubig gaya ng ilog upang hindi mahirapan sa mga gawain gaya ng paglilinis ng katawan at mga kagamitan, mayroon din mahuhuling isda na maaari nilang makain sa pang araw araw.


Masamang naidudulot sa dagat at sa pamumuhay ng mga Mangingisda

Di maiiwasan ng mga tao na gumamit ng dinamita sa pangingisda upang makahuki agad ng maramihan. Ngunit maraming masamang epekto ito sa mga lamang-dagat at sa dagat mismo.

Leave a comment