The man who says he can and the man who says he can’t are both correct.

Lahat ng tao ay mayroong pagkakaiba. Sa tingin palang ay makikita na , mayroong payat,matangkad,mataba at pandak. May kanya-kanyang kahinaan at kalakasan na laging mnaipapakita sa araw araw. Sa mga kalakasan, merong pisikal ,verbal at mental. Kung kaya mo ang isng bagay pwede mo namang sabihin na kaya mo ngunit kung hindi naman kaya ay pwede rin namang sabihin na hindi dahil kapag pinilit ang isang bagay na hindi naman talaga kaya ,mabibigo kalang. Sa ating mga kalakasan, wag itong ipang-abuso kundi ito ay gamitin sa pagtulong upang ang mga nagangailangan ng tulong ay hindi mawalan ng pag asa. Kung may nagpapatulong sa mga higit pa sa kaya mong gawin, wag namang mahiyang tumanggi kung hindi mo naman sila matutulungan, isipin mo kung ano ang mas makakabuti. Ang taong alam ang kanyan limitasyon ay mas malakas kaysa sa mga pabida o pabibo, dahil amg taong may kontrol sa sariliay walang mapapahamak na kahit sino. Laging tatandaan na kailan man hindi kaduwagan ang pagtanggi sa hindi kayang gawin ng katawan.

Leave a comment