
Ang ating sarili ay bigay ng poong may kapal. Kahit mayroong medyo hindi natin gusto, mas marami parin ang gusto natin dito. Hindi maikakaila na may gusto tayong baguhin o pagandahin sa ating katawan. Mayroon ding mga idolo na gusto natin makamukha o maging katulad nila. Pero sa lahat ng ating mga kagustuhan na mangyari sa ating katawan ay may kapalit kagaya ng salapi.
Ang gusto ko lang baguhin sa sarili ko ay ang aking mukha. Dahil sa napakarami nitong tigyawat, pero ayaw kong mapalitan ang itsura ko dahil ang gusto ko lang ay mabawasan ang mga ito. Isa rin ang aking tangkad, ako ay hindi kataasan pero hindi kababaan ngunit gusto ko pang tumangkad ng kaunti para makaiwas sa mga pangtutukso ng iba. Ang huli ay ang timbang, hirap ako na magpaangat ng timbang dahil napakabilis ng aking metabolism kahit kumakain ako ng marami hindi naman ako nadadagdagan ng timbang.
Ang aking ipinagmamalaki ko sa sarili ko ay ang hindi masyadong sakitin. Bagamat payat ako hindi naman akp agad nagkakasakit dahil siguro sa paligid at mga kinakain ko. Nagpapasalamat din ako na kahit hindi gaanong matangos ang ilong ko ay hindi naman masyadong pango katulad ng iba. Sa huli binago mo man ang iyong katawan o hindi dapat itong pangalagaan.



